SB19

Wakas
'Di ko na makita pa Ang liwanag na dati'y malaya Patuloy lang sa paglakad ang aking mga paa Panatag na kailanma'y 'di ako mag-iisa Ngunit unti-unting kumupas lahat ng kulay Naglaho ang sigla ng dating punong-puno ng buhay Kinabukasan man ay walang patunay Umaasa na hindi ka pa mawawala Kung lahat may hanggan Pwede bang 'wag mo na 'kong bitawan? 'Di ba't kung mahalaga 'di mo hahayaang mawala nang basta? Alam kong pagod ka na At nandito pa rin ako sa paraiso Pinangako na sabay nating binuo 'Wag nating hayaang gumuho Bawat minuto at segundo Ibibigay ko ang lahat (Oh) Hayaan mo na munang ako'ng pumasan Ng 'yong bigat, ng bigat Unti-unting kumupas lahat ng kulay Naglaho ang sigla ng dating punong-puno ng buhay Kinabukasan man ay walang patunay Letras de cancionesUmaasa pa, hindi ka basta mawawala Kung lahat may hanggan Pwede bang 'wag mo na 'kong bitawan? 'Di ba't kung mahalaga 'di mo hahayaang mawala nang basta? Alam kong pagod ka na Kung lahat may hanggan Pakiusap 'wag mo 'kong sukuan 'Di ba pwedeng balikan ang mga pangako sa'ting nakaraan? Iyo bang nalimutan? (Oh-oh) 'Di ko na alam kung ano'ng gagawin ('Di ko alam) Kung para sa'n pa ang aking mga hiling (Kung para saan pa) Malayo-layo na rin ating narating Na parang mag-isa, ako na lang Ganyan ba talaga ang kinabukasan? Ang mga sinimulan Ayoko namang pagsisihan ang lahat Ito na ba'ng wakas? Ang lahat may hanggan (Oh, oh-oh) Walang saysay ang patuloy lumaban 'Di ba para kang tanga kung isasalba mo pa rin ang wala na? Alam kong ubos ka na (Oh-oh) Kung lahat may hanggan (Ooh-oh) Pakiusap 'wag mo 'kong sukuan 'Di na ba mahalaga mga binitawan nating salita? Ako man ay pagod na Ito na ang simula at wakas Ng mga bagay-bagay na pinaghirapan Matatapos na lang ba sa paalam? Ito nga ba'ng simula at wakas Ng lahat ng pangarap na ating nilaban? 'Wag mong kalimutan ang aking pangalan From Letras Mania