Valley Of Chrome

Pangako
Ang bugso nitong damdamin, ang bukas na nasa akin Dapat di maging alipin, sa unos na dulot nila. Di na ‘ko hahamakin, at aking lilisanin Ang lugar na madilim, dahil kasama na kita. At di na mabigat ang krus na aking pasan Bigla nang gumaan, merong kahulugan. Di na mahapdi, ang pako sa kamay, Nabuhay na muli, ang puso kong patay Nag-iisa sa laban, walang tunay na pangalan Dulot ay kawalan, at walang nais umintindi Di na mangangamba, wala nang nanaisin pa Letras de cancionesSa bawat sandali, pananalig tumitindi Oras nang iwanan ‘to, ika’y hinanap ko at nagtagpo Hanggang maging abo, ito’y pangako ko Hawak ko ang iyong kamay, sa buhay ko’y tanging gabay Hanggang maging abo, ito’y pangako ko Di mawawala sa isip ko Pinapangako ko ito Sisirain ang bawat harang Pagsasama na walang patlang Di pa to ang katapusan Ako’y nakahawak sa iyong kamay Walang pagsisising ako ay naghintay Nakaukit sa ‘kin ang pangalan mo Ako at ikaw hanggang maging abo Oras nang iwanan ‘to, ika’y hinanap ko at nagtagpo Hanggang maging abo, ito’y pangako ko Tapos na ang paghihintay Dahil ika’y naging tulay Hanggang maging abo, ito’y pangako ko From Letras Mania